Mga Post

Salubong

Imahe
                                                                              Salubong                                                                        isinulat ni: Ann Shaey Villarosa “Magandang Umaga!” Masigla kong bati sa mga estudyante ko sa isang pamantasan. “Bago lamang akong guro dito dahil kakalipat ko lamang sa lugar na ito.” Hindi ko mawari kung bakit lahat sila’y tulala, sa tuwing babati ako’y malalamya ang kanilang pagtugon. Hindi ko alam kung sila ba’y pagod lamang o kaya’y wala silang gana makinig sa itinuturo ko. Isang gabi, naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko ang mga estudyante kong palaging tulala at di nagsasalita. Nakita ko ang mga ito, may hawak na kandila at ang aking larawan. “Happy Birthday sir! Sabay sabay nilang bati.”

Kuwintas

Imahe
Kuwintas isinulat ni: Vincent Bea Noong bata pa si Ana ay pinapangarap niyang magkaroon ng kwintas,mamahaling kwintas na aagaw pansin sa lahat kapag nakita siya. Inakit niya ang gusto niyang binatang pinakamayaman sa lugar nila at may pinakamalaking negosyo sa kanila. Ikinasal silang dalawa at doon naranasan niyang mabugbog ng kaniyang asawa at alipustahin ng matapobre nitong pamilya. Ito ay tiniis niya ng mahabang panahon. Ngayon, di lang makaagaw pansin kundi tinitingala pa siya ng kaniyang mga kababayan habang suot ang kaniyang kwintas na yari sa lubid

Kaibigan

Imahe
                                                                         Kaibigan                                                            isinulat ni: Erika Bautista May dalawang magkaibigang lalaki at babae. Noong bata pa sila ay lagi na silang magkasama. Magkasundo sa lahat ng bagay. Alam ng lahat na nakakakilala sa kanila na hindi sila mapaghihiwalay at laging magkasama. Isang araw, nagulat ang lahat dahil nagbago ito. Hindi na nila nakikitang magkasama ang matalik na magkaibigan. Hindi na rin nila nakikita ang lalaki simula ng kumalat ang kanilang narinig, mga katagang "tama na, ayoko na, itigil na natin ito." Nagulantang ang lalaki sa pagpitik ng babae sa kanyang noo. Natakot ang lalaki at kinabahan dahil akala niya ay totoo ang nangyaring iyon. Yun pala, ito's isang guni-guni lamang                                                                        

Plano

Imahe
                                                                              Plano                                                           isinulat ni: Evangeline Ayad “Toti anak, magbe-bertdey ka nanaman bukas, matanong nga kita, ano ba talaga ang mga plano mo sa buhay?” “E ‘Nay, simple lang naman mga ambisyon ko sa buhay e, magkaron ng magandang trabaho, makapag asawa, magkaron ng milyones sa bangko at makabili ng magarang kotse. Kapag natupad ko nang lahat ng ‘yon ‘Nay, makakapag relaks na tayo habambuhay.” Napaiyak na lamang si Aling Mena sa tinuran ng anak. “Nay?” “Anak ka ng ama mong magulang, treinta y siete anyos ka na bukas, tatlumpu’t pitong taong ka na ring nagre-relaks dito sa bahay! Animal na ito…”

Alaala

Imahe
                                                                            Alaala                                                            isinulat ni: Michael Maninit Sa tuwing papasok ako sa loob ng aming tahanan, lagi kong nakikita si inay at itay na mag katabi at mag kayakap, sa tuwing tatabi naman ako kina inay at itay ,ako ay laging nanginginig, kinikilabutan at nagsisitayuan ang aking mga balahibo. Napaisip nalang ako kung bakit ganun kapag tatabi ako sa kanila. Kinabukasan nagising nalang ako at may narinig na isang malakas na boses patungo saaking tenga. "Anak, pasensya dahil di ka na namin kayang dikitan at mahawakan."