Salubong
Salubong
isinulat ni: Ann Shaey Villarosa
Isang gabi, naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko ang mga estudyante kong palaging tulala at di nagsasalita. Nakita ko ang mga ito, may hawak na kandila at ang aking larawan.
isinulat ni: Ann Shaey Villarosa
“Magandang Umaga!” Masigla kong bati sa mga estudyante ko sa isang pamantasan. “Bago lamang akong guro dito dahil kakalipat ko lamang sa lugar na ito.” Hindi ko mawari kung bakit lahat sila’y tulala, sa tuwing babati ako’y malalamya ang kanilang pagtugon. Hindi ko alam kung sila ba’y pagod lamang o kaya’y wala silang gana makinig sa itinuturo ko.
Isang gabi, naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko ang mga estudyante kong palaging tulala at di nagsasalita. Nakita ko ang mga ito, may hawak na kandila at ang aking larawan.
“Happy Birthday sir! Sabay sabay nilang bati.”
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento